Kunin ang mga pinakabagong tampok, tip at trick sa paghahanap

Dito mo mahahanap ang mga pinakabagong tampok at tip at trick para sa paghahanap sa Google upang matulungan kang maging isang eksperto sa paghahanap. Kung nais mo talagang magpakadalubhasa, manood ng kuwento ng paghahanap o tumingin ng ilang nakakatuwang proyektong binubuo namin sa aming playground.

Mga Bagong Bagay

Alamin kung ano'ng bago sa Paghahanap sa Google sa pamamagitan ng mga tampok na inilabas kamakailan.

Flight Search

3/14/12

Tumuklas ng mga pagpipilian sa paglalakbay sa eroplano at planuhin ang iyong biyahe sa pamamagitan lamang ng ilang pag-click sa mouse. Ngayon, magagamit mo ang Flight Search upang makahanap at makapag-book ng mga flight mula US patungo sa maraming pang-international na destinasyon.

Matuto nang higit pa.

Mga preview ng kaugnay na paghahanap

2/23/12

Matagpuan ang magandang larawan na hinahanap mo o magsaliksik tungkol sa isang paksa sa pamamagitan ng mga larawan gamit ang mga preview ng kaugnay na paghahanap. Makikita mo ang mga ito sa tuktok ng iyong mga resulta ng paghahanap ng larawan.

Matuto nang higit pa.

Mga personal na resulta

1/10/12

Humihingi tayo ng mahuhusay na rekomendasyon sa mga taong kakilala at pinagkakatiwalaan natin. Gamit ang mga personal na resulta, makakakita ka ng mga may-katuturang tip, larawan, at post mula sa iyong mga kaibigan, sa tabi mismo ng mga resulta mula sa web.

Matuto nang higit pa.

Ang Ebolusyon ng Paghahanap sa Google

Matutunan ang tungkol sa Google sa pamamagitan ng pananaliksik ng mga inobasyon, tampok at milestone sa Paghahanap simula sa aming pagkakatatag noong 1997.

  • Inilunsad ang Paghahanap sa Google

    9/4/97

    Sina Larry at Sergey, mga mag-aaral na nagtapos ng computer science sa Stanford na nagtulungan noong nakaraang taon para sa isang search engine na hino-host sa mga server ng Stanford na tinatawag na BackRub, ay nagpasyang palitan ang pangalan ng kanilang search engine. Pagkatapos ng ilang pagpapalitan ng ideya, pinili nila ang Google —hango sa salitang “googol,” isang termino sa matematika para sa numerong kinakatawan ng numerong 1 na sinusundan ng 100 zero.

  • Unang Doodle

    8/30/98

    Ang tradisyon ng mga doodle sa homepage ay isinilang noong inilagay nina Larry at Sergey ang napakapopular na Burning Man sa logo ng Google bago pumunta sa Burning Man festival sa Nevada.

  • Mga Wika

    5/9/00

    Bilang pagsunod sa aming adhikain na ayusin ang impormasyon ng mundo, inilunsad namin ang Google.com sa 10 karagdagang wika: French, German, Italian, Swedish, Finnish, Spanish, Portuguese, Dutch, Norwegian at Danish.

  • Index ng Paghahanap

    6/26/00

    Pinasimulan ng Google ang isang bagong milenyo, siglo, dekada, at henerasyon ng paghahanap sa web sa pamamagitan ng pagiging pinakamalaking index ng paghahanap sa web ng mundo.

  • Mga Wika

    9/12/00

    Inumpisahan ng Google ang pag-aalok ng paghahanap sa Chinese, Japanese at Korean at sa kabuuan, 15 ang aming sinusuportahang wika. Ngunit (hanggang ngayon!) wala pa ring Klingon.

  • Google Toolbar

    12/11/00

    Binibigyang-daan ng paglulunsad ng plug-in ng browser na Google Toolbar na makagawa ng mga paghahanap sa Google nang hindi na pumupunta sa aming homepage. Sa madaling salita, magagamit mo na ngayon ang Google sa buong web nang hindi na bumibisita sa Google.com sa pamamagitan ng simpleng pagda-download ng aming Google Toolbar at paglalagay nito sa iyong browser.

  • Mga Wika

    3/27/01

    Dahil hindi pa kuntento sa mabagal na proseso ng pagsasaling-wika ng aming interface sa Google nang paisa-isang wika sa napakaraming sinasalitang wika sa buong mundo, bumuo ang Google ng console para sa translation na nagbibigay-daan sa mga user na makatulong sa pagpapabilis ng proseso. Ngayon, makakapagboluntaryo na ang sinumang Googler na mag-translate ng ilan o lahat ng aming pahina sa isa o higit pa sa 100 iba't ibang wika. Sa ngayon, naisalin na ng mga boluntaryo ang Google sa Catalan, Afrikaans, Russian at Czech, nang may mas marami pang mga wikang idinaragdag linggo-linggo. Sa ngayon, available ang Google.com sa 26 na wika.

  • Google Image Search

    7/28/01

    Kung ang isang larawan ay katumbas ng isang libong salita, paano naman ang isang milyong larawan? O para mas tumpak, 250 milyong larawan? Inilunsad ang Google Image Search (beta na bersyon) at ito ang pinakakomprehensibong paraan ng paghahanap ng mga larawan sa Web. Dagdag pa, kasingdali lang itong gamitin ng iba pang mga serbisyo ng paghahanap sa web ng Google.

  • Index ng Paghahanap

    12/11/01

    Lumago ang laki ng index sa web ng Google patungong 3 bilyong dokumento sa web, na noon ay tila napakarami nang dokumento sa web.

  • Zeitgeist 2001

    12/14/01

    Nahuli namin ang diwa ng 2001 batay sa pagsasama-sama ng bilyun-bilyong query sa paghahanap sa Google. Nangangasiwa kami ng mahigit 150 milyong query bawat araw, iniaalok namin ang nangungunang 10 nagte-trend na query:

    1. nostradamus
    2. cnn
    3. world trade center
    4. harry potter
    5. anthrax
    6. windows xp
    7. osama bin laden
    8. audiogalaxy
    9. taliban
    10. loft story
  • Google News

    9/23/02

    Inilunsad ang Extra! Extra! Google News, na nagbibigay ng nagbabagang balita mula sa tinatayang 4,000 mapagkukunan ng balita sa buong mundo. Awtomatikong inaayos ang mga kuwento sa iba't ibang kategorya, at ina-update ang mga paksa sa loob ng buong araw, kaya madaling makita ang paglabas ng balita sa tuwing bibisita ka.

  • Zeitgeist 2002

    12/9/02

    Nahuli namin ang diwa ng 2002 gamit ang aming Year-End Zeitgeist, na nag-aalok ng natatanging pananaw sa malalaking kaganapan at pinakapatok na trend ng taon batay sa mahigit 55 bilyong paghahanap na isinagawa ng mga user ng Google sa buong mundo noong nakalipas na taon. Narito ang nangungunang 10 umaangat na query ng taon:

    1. spiderman
    2. shakira
    3. winter olympics
    4. World Cup
    5. avril lavigne
    6. star wars
    7. eminem
    8. american idol
    9. morrowind
    10. warcraft 3
  • Froogle

    12/12/02

    Inilunsad namin ang Froogle (na ngayon ay Product Search), ang aming serbisyo sa paghahanap ng produkto, na nagbibigay-diin din sa layunin ng Google na magkaroon ng walang kinikilingang mga resulta sa dimensyon ng online na pamimili. Naghahanap ang Froogle sa milyun-milyong may-katuturang website upang matulungan ang mga user na mabilisang mahanap ang mga bagay na gusto nila, nang tinutukoy ang mga site na nag-aalok ng partikular na produktong hinahanap nila. Maaga naming napagpasyahan na hindi kailanman ibebenta ng Google ang mga resulta ng paghahanap nito upang palaging malaman ng mga user na ang kanilang mga resulta ay may-katuturan at hindi binili.

  • Zeitgeist 2003

    12/31/03

    Pagkatapos ng mahigit 55 bilyong paghahanap na isinagawa noong nakaraang taon, inilunsad namin ang 2003 Year-End Zeitgeist, na nag-aalok ng natatanging pananaw sa pinakamalalaking kaganapan at pinakapatok na mga trend ng taon. Narito ang sampung pinakasikat na query ng taon:

    1. britney spears
    2. harry potter
    3. matrix
    4. shakira
    5. david beckham
    6. 50 cent
    7. iraq
    8. lord of the rings
    9. kobe bryant
    10. tour de france
  • Index ng Paghahanap

    2/17/04

    Nakamit ng aming index ng paghahanap ang isang bagong milestone : 6 bilyong termino, kabilang ang 4.28 bilyong web page at 880 milyong larawan.

  • Gmail

    4/1/04

    Sinubukan namin ang isang paglabas ng preview ng Gmail, isang libreng serbisyo ng webmail na batay sa paghahanap na may kapasidad ng storage na hanggang 8 bilyong piraso ng impormasyon—na katumbas ng 500,000 pahina ng email. Bawat user. Nagmula ang aming inspirasyon sa Gmail sa isang user ng Google na nagrereklamo tungkol sa mahinang kalidad ng mga umiiral nang serbisyo ng email.

    Magbasa nang higit pa

  • Paghahanap ng SMS sa Mobile

    10/7/04

    Inilunsad ang OMG—Google SMS (short message service), bagay na nagbibigay sa iyo ng madaling paraan upang makakuha ng listahan para sa isang kalapit na restaurant, mahanap ang kahulugan ng isang salita, hanapin ang presyo ng isang produkto, o makahanap ng area o zip code. Magagamit mo rin ang Google SMS upang kalkulahin ang isang tip. Kung pinagana para sa mga text message ang iyong telepono, maipapadala mo ang iyong query sa 5-digit na shortcode ng US: 46645 (GOOGL sa karamihan ng mga telepono). Pagkatapos ay ipapadala ang iyong mga resulta ng query bilang mga text message, hindi mga link.

    Magbasa nang higit pa

  • Google Scholar

    10/8/04

    Hinahayaan ng beta na bersyon ng Google Scholar na maghanap ang mga akademiko ng mga babasahing iskolar gaya ng mga peer-reviewed paper, thesis, aklat, preprint, abstract at teknikal na ulat -- nang libre ang lahat. Sa Google, lubos kaming nakinabang sa pang-akademyang pananaliksik. Ito ang isa sa mga paraan na sinusuklian namin ang komunidad ng pananaliksik. Umaasa kaming matutulungan tayong lahat ng Google Scholar na dagdagan ang mga nagawa ng mga nauna.

    Magbasa nang higit pa

  • Paghahanap sa Desktop ng Google

    10/14/04

    Dinadala ng Google Desktop Search ang teknolohiya ng paghahanap sa Google sa pinal na kinahahantungan ng data: ang iyong sariling makalat na hard drive. Idinisenyo ang maliit (700k) na application na ito upang matulungan kang hanapin ang lahat ng uri ng mga file sa iyong hard drive, kabilang ang mga file sa Office, email, mga chat sa AIM, at mga PDF, idagdag pa ang musika, mga larawan, video, at higit pa.

    Magbasa nang higit pa

  • Index ng Paghahanap

    11/10/04

    Inanunsyo namin na umabot na sa 8 bilyon ang aming index ng mga web page. Noon, tila napakarami na nito.

    Magbasa nang higit pa

  • Paghahanap ng Aklat sa Google

    12/14/04

    Ang mga aklat ng mundo, na nakapreserba habambuhay, sa pamamagitan ng Google Print Program (na simula noon ay pinalitan ng pangalan patungong Google Book Search). Ngayon, inaanunsyo namin ang pakikipagsosyo sa digital na pagsa-scan sa mga library ng Harvard, Stanford, University of Michigan, at Oxford, idagdag pa ang New York Public Library. Aming layunin: Gawing mas katuklas-tuklas ang mundo ng mga aklat para sa isang bagong henerasyon. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga library at publisher, may access na kami ngayon sa milyun-milyong aklat, kabilang ang maraming natatanging volume na hindi pa nababasa sa loob ng ilang taon at libu-libong out-of-print na aklat.

    Magbasa nang higit pa

  • Zeitgeist 2004

    12/22/04

    Batay sa bilyun-bilyong paghahanap na isinagawa ng mga user ng Google sa buong mundo, nag-aalok ang 2004 Year-End Zeitgeist ng natatanging pananaw sa mga pinakamalalaking kaganapan at trend ng taon. Narito ang sampung pinakasikat na query:

    1. britney spears
    2. paris hilton
    3. christina aguilera
    4. pamela anderson
    5. chat
    6. mga laro
    7. carmen electra
    8. orlando bloom
    9. harry potter
    10. MP3
  • Google Video

    1/25/05

    Inilunsad namin ang Google Video, isang produkto na nagbibigay-daan sa iyo na makahanap ng index ng mga transcript mula sa mga kamakailang programa sa TV. Sa puntong ito, nagsisimula pa lamang ang produktong beta: Ang mga snippet ng larawan at teksto lamang mula sa mga palabas na tumutugma sa iyong mga termino para sa paghahanap lamang ang magagawa mong makita, at mga palabas mula sa iilang channel, mula Disyembre, 2004 lamang ang iyong mahahanap. Ngunit patuloy naming pahuhusayin ang Google Video sa mga darating na buwan, kaya tulad ng sinasabi nila sa TV biz, abangan.

    Magbasa nang higit pa

  • Index ng Paghahanap ng Larawan

    2/7/05

    May isang malaking milestone sa araw na ito dahil inanunsyo ng Google Image Search na naabot na namin ang 1.1 bilyong larawang na-index, at hindi lahat ng ito ay mga pusa.

    Magbasa nang higit pa

  • iGoogle

    5/19/05

    Inilalabas ng Google Labs ang aming personalized na homepage (na tinatawag ngayong iGoogle), na nagbibigay-daan sa iyo na iangkop ang Internet sa paraang gusto mo (nang mas mataas o mas mataas), sa pamamagitan ng pagdaragdag ng balita, headline, lagay ng panahon, at iba pang mga tampok sa homepage. Binibigyang-daan ka ng mouseclick na bumalik sa "classic" na hitsura ng Google.

    Magbasa nang higit pa

  • Google Translate

    8/22/05

    Ano kamo? Mataas ang naging puntos ng Google Translate sa pagtatasa sa machine translation noong 2005 ng pamahalaan ng U.S.—at sa pagpapatunay ng mga petsa, nagsisimula pa lamang ang koponan ng pagsasaling-wika.

    Magbasa nang higit pa

  • Google Blog Search

    9/15/05

    Kitang-kitang lumago ang pag-blog na ito—ngunit paano mo malalaman kung tungkol saan ang sinusulat ng mga blogger? Ipinapakilala ang Google Blog Search, na naghahatid ng mga resulta ng paghahanap sa bilis ng Google sa mga blog sa maraming wika, saan man naka-host o naka-write ang mga ito. Makakapaghanap ka ayon sa paksa, URL, mga keyword, o malilimitahan mo ang iyong paghahanap sa mga partikular na blog o hanay ng petsa.

    Magbasa nang higit pa

  • Zeitgeist 2005

    12/20/05

    Bilyun-bilyong paghahanap sa Google. Isang Taon Ang Zeitgeist ay ginagawang snapshot ng nahuli ang nauna. Narito ang mga nangungunang nagte-trend na mga paghahanap:

    1. Myspace
    2. Ares
    3. Baidu
    4. Wikipedia
    5. orkut
    6. iTunes
    7. Sky News
    8. World of Warcraft
    9. Green Day
    10. Leonardo da Vinci
  • Google Finance

    3/21/06

    Tinutulungan ka naming magkaroon ng kabuluhan ang iyong mga dolyar sa pamamagitan ng pag-aalok ng mabilis at madaling pag-access sa pang-negosyo at pampinansyang impormasyon tungkol sa mga pampubliko at pribadong kumpanya at mga mutual fund. Ang Google Finance ay kinabibilangan ng mga interactive na chart; paghahanap ng kumpanya ayon sa pangalan o simbolong check; mga kuwentong nakagrupo ayon sa paksa mula sa Google News; mga napapanahong post sa blog mula sa Google Blog Search; mga pangkat pantalakayan ayon sa paksa; at mga madaling gamiting portfolio para sa pagsubaybay sa iyong pampinansyang impormasyon.

    Magbasa nang higit pa

  • Mga Kalakaran

    5/10/06

    Tungkol ito sa iyo. Sa Google Trends, matatantiya mo ang interes ng mundo sa iyong mga paboritong paksa. Maglagay ng hanggang limang paksa at makita kung gaano kadalas hinanap ang mga ito sa Google sa paglipas ng panahon. Ipinapakita rin ng Google Trends kung gaano kadalas lumitaw ang iyong mga paksa sa mga kuwento sa Google News, at kung aling mga heyograpikong lokasyon ang pinakamadalas hinanap ang mga ito.

    Magbasa nang higit pa

  • Google Custom Search

    10/23/06

    Mas mahusay sa Google? Bakit hindi? Ang paglulunsad ng Google Custom Search Engine ay nagbigay sa mga blogger at may-ari ng website ng kakayahang lumikha ng search engine na iniakma sa mga partikular na interes nila at ng kanilang mga user.

    Magbasa nang higit pa

  • Paghahanap ng Patent

    12/14/06

    Sa beta na paglabas ng Google Patent Search, maaari mong malaman ang kuwento sa likod ng bawat pang-araw-araw na produkto gaya ng pandikit na tape at mga contact lens, o malaman ang tungkol sa libu-libong kakaibang imbensyon na maaaring hindi mo alam na mayroon pala. Hinahayaan ka ng Google Patent na mahanap ang buong teksto at mga larawan ng mahigit 7 milyong patent sa U.S..

    Magbasa nang higit pa

  • Zeitgeist 2006

    12/28/06

    Anong meron sa 2006? Sinagot ng Zeitgeist ang tanong na iyon sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga query sa paghahanap sa Google ng taon. Narito ang mga nangungunang paghahanap ng 2006:

    1. Bebo
    2. myspace
    3. World Cup
    4. metacafe
    5. radioblog
    6. Wikipedia
    7. video
    8. rebelde
    9. mininova
    10. Wiki
  • Pangkalahatang Paghahanap

    5/16/07

    Sabay-sabay tayo. Sa aming Searchology event, inanunsyo naming isang hakbang na lamang ang layo namin sa unibersal na paghahanap pagkatapos naming lumikha ng paraan upang maghanap sa lahat ng mapagkukunang nilalaman—web, mga larawan, balita, mapa, lokal, video, mga aklat—at maghatid ng pinagsama-samang resultang nakaranggo ayon sa kaugnayan.

    Magbasa nang higit pa

  • Zeitgeist 2007

    12/15/07

    Nahuli namin ang diwa ng 2007 batay sa pagsasama-sama ng bilyun-bilyong query sa paghahanap sa Google. Narito ang nangungunang sampung pinakamabilis sumikat na mga query sa US:

    1. iphone
    2. webkinz
    3. tmz
    4. transformers
    5. Youtube
    6. club penguin
    7. myspace
    8. heroes
    9. facebook
    10. anna nicole smith
  • Google Translate

    5/15/08

    Ibinibigay na ngayon ng Google Translate ang himala ng instant na online na translation sa Bulgarian, Croatian, Czech, Danish, Finnish, Hindi, Norwegian, Polish, Romanian at Swedish, sa 23 sinusuportahang wika sa kabuuan. Odlično!

    Magbasa nang higit pa

  • Doodle 4 Google 2008

    5/21/08

    Nagpasya ang milyun-milyong online na voter na ang sixth grader na si Grace Moon mula Castro Valley, California ang nagsumite ng pinakamahusay na doodle para sa Paligsahan sa Doodle 4 ng Google ng taong ito.

    Magbasa nang higit pa

  • Paghahanap sa Site ng Google

    6/3/08

    Ang pagkakalunsad ng Google Site Search ay nagbigay-daan sa mga may-ari ng na paganahin ang mga paghahanap na pinapatakbo ng Google sa kanilang mga sariling site.

    Magbasa nang higit pa

  • Knol

    7/23/08

    Naglunsad kami ng bagong serbisyo na tinatawag na Knol na lubos na nagpapadali sa mga nakakaalam na eksperto na sumulat at magbahagi ng impormasyon sa web. Makakapag-post ang mga may-akda ng mga may kredibilidad na artikulo (a.k.a. knols) sa isang paksa, pagkatapos ay ibahagi ang kaalaman sa lahat. Kinikilala ng bawat knol ang isang may-akda o pangkat ng mga may-akda, upang malinaw na makita ng mga mambabasa kung sino ang sumulat nito at ang kanilang mga kredensyal at magawa din nilang magkomento sa, i-rate ang, o gumawa ng review sa knol. Gamit ang isang bagong tampok na tinatawag na "moderated collaboration," direkta ring makakapag-ambag ang mga mambabasa sa knol. Pagkatapos, makakapagpasya ang may-akda kung isasaalang-alang ang mga suhestiyon o hindi.

    Magbasa nang higit pa

  • Index ng Paghahanap

    7/25/08

    Gaano ba kalaki ang web? Inanunsyo namin na ang aming sistema ng pag-index para sa pagproseso ng mga link ay nagpapakita na may 1 trilyong natatanging URL na ngayon ang Google, kung saan lumalago ang bilang ng mga indibidwal na web page nang ilang bilyong pahina bawat araw.

    Magbasa nang higit pa

  • Google Suggest

    8/25/08

    Inilunsad namin ang Google Suggest, na tumutulong sa iyo na buuin ang bawat query sa paghahanap at mabawasan ang mga error sa spelling at keystroke, bagay na nakakapagpababa sa oras ng pagta-type ng mga user ng Internet—paisa-isang suhestiyon sa loob ng kalahating segundo.

    Magbasa nang higit pa

  • Google Chrome Browser

    9/2/08

    Inilabas namin ang Google Chrome, isang bagong open-source na web browser. Mabilis at ligtas, hinahayaan ka nito na i-access ang iyong mga paboritong serbisyo ng Google—Gmail, Google Maps at Google Docs—nang lubos na mas mabilis kaysa dati. Nag-aalok din ang Google Chrome ng mga bagong natatanging tampok, gaya ng isang kahon para sa mga address at paghahanap sa web, isang pinasimpleng tagapamahala ng pag-download, at isang interface upang masulit ang iyong karanasan sa pagba-browse.

  • Ika-10 Kaarawan ng Google

    9/2/08

    Lumilipad ang oras -- Ika-10 kaarawan ng Google.

  • Project 10^100

    9/24/08

    Bilang bahagi ng pagdiriwang ng aming ika-10 kaarawan, inilunsad namin ang Project 10^100 (iyan ay “ten to the hundredth”), isang panawagan para sa mga ideya na idinisenyo upang makatulong sa pinakamaraming tao hangga't maaari, at isang programa upang isakatuparan ang pinakamahusay sa mga ideyang iyon. Naglaan kami ng $10 milyon upang pasimulan ang mga proyektong ito at iniimbitahan ka namin na iboto ang iyong mga paboritong ideya.

    Magbasa nang higit pa

  • Zeitgeist 2008

    12/10/08

    Inilabas namin ang mga nangungunang nagte-trend na query na humuhuli sa diwa ng 2008:

    1. Obama
    2. facebook
    3. att
    4. iphone
    5. Youtube
    6. Fox News
    7. Palin
    8. beijing 2008
    9. david cook
    10. surf the channel
  • Google Translate

    2/26/09

    Sa pagkakadagdag ng Turkish, Thai, Hungarian, Estonian, Albanian, Maltese, at Galician, inanunsyo namin na may kakayahan na ngayon ang Google Translate na awtomatikong mag-translate sa pagitan ng 41 wika na kapag pinagsama-sama ay bumubuo sa 98% ng mga wika kung saan nagbabasa ang mga user ng Internet.

    Magbasa nang higit pa

  • Mga Profile sa Google

    4/21/09

    Inilabas namin ang Google Profiles, na siyang nagbibigay sa iyo ng kakayahang makontrol nang mas mabuti ang makikita ng mga tao kapag hinanap ka nila. Lumilitaw ang mga profile sa ibaba ng among pahina sa paghahanap sa U.S. kapag naghanap ang mga tao ayon sa pangalan.

    Magbasa nang higit pa

  • Mga Opsyon sa Paghahanap sa Google

    5/12/09

    Maaaring bang mapahusay at gawing mas personalized ang paghahanap sa web? Palagi. Iyan ang dahilan kung bakit namin inilunsad ang Mga Opsyon sa Paghahanap, na isang tool panel sa kaliwa ng mga resulta ng paghahanap na nagbibigay sa iyo ng mas sopistikadong kontrol sa iyong mga resulta.

    Magbasa nang higit pa

  • Doodle 4 Google 2009

    5/20/09

    Libu-libong mag-aaral ang nagsumite ng kanilang mga entry. Mahigit 6 na milyong online na boto ang naitala. At si Christin Engelberth, isang sixth grader mula San Antonio, Texas, ang nagwagi sa Paligsahan sa 2009 Doodle 4 Google.

    Magbasa nang higit pa

  • Google Translate

    8/31/09

    Ano? Hindi sinusuportahan noon ng Google ang Afrikaans, Belarusian, Icelandic, Irish, Macedonian, Malay, Swahili, Welsh o Yiddish? Well, sinusuportahan na nito ang mga ito ngayon.

    Magbasa nang higit pa

  • Social na Paghahanap

    10/26/09

    Ang Social na Paghahanap, isang bagong eksperimento sa Google Labs, ay nagpapayaman sa iyong mga resulta ng paghahanap sa Google gamit ang may-katuturang pampblikong nilalaman mula sa iyong mga kaibigan at contact, na kumbinyenteng naka-highlight para sa iyo sa ibaba ng iyong mga resulta ng paghahanap.

    Magbasa nang higit pa

  • Google Dashboard

    11/5/09

    Nagbibigay ng tranparency ang bagong Google Dashboard at binibigyan ka nito ng mas malawak na pagtingin sa iyong data at impormasyong nauugnay sa Google. Binubuod ng Dashboard ang data para sa bawat produktong ginagamit mo at binibigyan ka nito ng mga direktang link upang makontrol mo ang iyong personal na impormasyon at mga setting—lahat sa isang maginhawa at ligtas na lugar.

    Magbasa nang higit pa

  • Zeitgeist 2009

    12/1/09

    Anong mayroon noong 2009? Nahuli ng Zeitgeist ng taong ito ang punto ng bilyun-bilyong query sa paghahanap sa Google. Narito ang pinakamabibilis sumikat na query ng tanong:

    1. twitter
    2. michael jackson
    3. facebook
    4. hulu
    5. hi5
    6. glee
    7. paranormal activity
    8. natasha richardson
    9. farrah fawcett
    10. lady gaga
  • Google Goggles

    12/7/09

    Inilunsad namin ang Google Goggles, isang bagong application ng biswal na paghahanap para sa mga Android phone na nagbibigay-daan sa iyo na maghanap sa web sa pamamagitan ng pagkuha ng larawan, sa halip na mag-type ng mga salita. Kumuha ng larawan ng isang landmark, simbolo, logo, pabalat ng aklat, o obra ng sining upang makakuha ng mga tumutugmang resulta ng paghahanap para sa iyong larawan. Para sa pang-negosyong impormasyon, itapat lang ang iyong telepono sa isang tindahan, at ipapakita sa iyo ng Goggles ang pangalan ng negosyo, gamit ang GPS at compass ng telepono.

    Magbasa nang higit pa

  • Aktuwal na Oras ng Paghahanap

    12/7/09

    Pinapanatiling napapanahon ng aming bagong tampok na Aktuwal na Oras ng Paghahanap ang iyong mga resulta ng paghahanap sa mga live na update mula sa mga tao sa mga sikat na site tulad ng Twitter, gayundin ang mga bagong headline at post sa blog na na-publish ilang segundo lang ang nakakalipas bago ang iyong paghahanap.

    Magbasa nang higit pa

  • Kaarawan ni Sir Isaac Newton

    1/4/10

    Bilang pagpupugay sa ika-368 kaarawan ni Sir Isaac Newton, binuo namin ang aming unang interactive na Doodle.

  • Parisian Love

    2/7/10

    Inilunsad namin ang kauna-unahang ad ng Super Bowl, na nagkukuwento tungkol sa pag-ibig sa pamamagitan ng mga termino para sa paghahanap. Isa ito sa maraming video na ginawa upang ipagdiwang ang mga layunin ng tao sa likod ng paghahanap.

  • Topeka

    4/1/10

    Para sa April Fool‘s Day, pinalitan namin ang aming pangalan ng Topeka—isang pagpupugay sa Topeka, Kansas, na nagpalit ng pangalan patungong Google bilang bahagi ng pagsusumikap na dalhin ang aming experimental fiber network sa lungsod na iyon.

    Magbasa nang higit pa

  • Makabagong hitsura para sa Mga Resulta ng Paghahanap

    5/5/10

    Bumuo kami ng bagong hitsura para sa aming pahina ng mga resulta ng paghahanap, na may bagong kaliwang panel na nagbibigay ng mga pinaka-may-katuturang tool sa paghahanap at pagpipino para sa iyong query. Ngayon, mabilis kang makakapaglipat sa iba't ibang uri ng mga resulta, gaya ng Mga Aklat, Mga Larawan, at Balita, o pakitirin ang mga resulta ayon sa oras o paksa. Tinutulungan ka ng bagong tampok na “Naiibang bagay” sa ibaba ng kaliwang panel na makahanap ng iba pang mga tampok na nauugnay sa iyong query.

    Magbasa nang higit pa

  • Doodle ng PAC-MAN

    5/21/10

    Sa pagdiriwang ng ika-30 kaarawan ng PAC-MAN, inilabas namin ang aming kauna-unahang nape-play na doodle, na kasama ang kumpletong 256 na antas ng kwelang pagkain-kain ng tuldok at si Ms. PAC-MAN. Naging masyadong sikat ito na nagpasya kaming bigyan ito ng permanenteng tahanan.

    Magbasa nang higit pa

  • Doodle 4 Google 2010

    5/26/10

    Pagkatapos ng mahigit 33,000 pagsusumite ng mga mag-aaral at milyun-milyong online na boto, malugod naming inaanunsyo na ang third grader na si Makenzie Melton mula El Dorado Springs, Missouri ang nagwagi sa Paligsahan sa 2010 Doodle Para sa Google.

    Magbasa nang higit pa

  • I-personalize ang Google.com

    6/2/10

    Inilunsad namin ang pag-personalize sa homepage ng Google.com, bagay na nagbibigay-daan sa iyo na i-customize ang iyong larawan sa background.

    Magbasa nang higit pa

  • Caffeine

    6/8/10

    Inilunsad namin ang Caffeine, ang aming bagong sistema ng pag-index, na nagbibigay ng 50 porsyentong mas maraming bagong resulta para sa mga paghahanap sa web kaysa sa nakaraang index, at ito na ang pinakamalaking koleksyon ng nilalaman sa web na aming naialok.

    Magbasa nang higit pa

  • Aktuwal na Oras ng Paghahanap

    8/26/10

    Binigyan namin ng hiwalay na homepage ang Aktuwal na Oras ng Paghahanap, pati na rin ng mga tool para sa pagtuklas at pagpipino ng mga real-time na resulta.

    Magbasa nang higit pa

  • Doodle ng Buckyball

    9/4/10

    Ipinagdiriwang ng aming interactive na doodle ang ika-25 Anibersaryo ng Buckyball.

  • Doodle ng Particle

    9/6/10

    Bilang paunang pagkilos sa paglunsad ng Google Instant, inilabas namin ang doodle na ito, na mabilis, kasiya-siya at interactive: tulad ng tamang estilo ng paghahanap!

  • Google Instant

    9/8/10

    Inilunsad namin ang Google Instant na isang bagong pagpapahusay sa paghahanap na nagpapakita ng mga resulta habang nagta-type ka. Ngayon, hindi mo kailangang tapusin ang pagta-type ng iyong buong termino para sa paghahanap o pindutin ang “Hanapin” upang makakuha ng mga resulta. Magagamit mo ang iminumungkahing wording bilang feedback upang matulungan kang makabuo ng mas mahusay na termino sa paghahanap at dynamic na iakma ang iyong paghahanap hanggang sa tumugma ang mga resulta sa kung ano ang iyong nais.

    Magbasa nang higit pa

  • Transparency Report

    9/20/10

    Binibigyang-daan ka ng aming interactive na transparency report na makakita ng mga inquiry ng pamahalaan na aming natanggap tungkol sa mga user, gayundin ang mga kahilingan na magtangal o mag-censor ng nilalaman.

    Magbasa nang higit pa

  • Doodle ni John Lennon

    10/9/10

    Isipin mo ito: isang animated na doodle na nagdiriwang ng ika-70 kaarawan ni John Lennon.

  • Maligayang kaarawan sa iyo!

    10/16/10

    Sina John Lennon, Norman Rockwell, Isaac Newton at ikaw naman ngayon. Kapag inilagay mo ang iyong kaarawan sa iyong profile sa Google, magpapakita ang Google homepage ng doodle para lang sa iyo sa iyong espesyal na araw (tiyakin lamang na mag-sign in).

  • Paghahanap ng Lugar

    10/27/10

    Inilusad namin ang Paghahanap ng Lugar, isang bagong uri ng lokal na paghahanap na nag-aayos ng impormasyon ng mga lugar ng mundo. Ngayon, kapag naghanap ka ng lokal na impormasyon, makakakita ka ng listahan ng mga partikular na lugar na minarkahan ng mga pulang pin, upang madali mong mapagpasyahan kung saan ka pupunta. Nag-aalok din ang Paghahanap ng Lugar ng higit pang mga may-katuturang link sa isang pahina ng mga resulta at nagbibigay ito ng mga link patungo sa iba pang mga pahina para sa higit pang impormasyon—bagay na tumutulong sa iyo na mas mabilis na matagpuan ang bagay na iyong hinahanap.

    Magbasa nang higit pa

  • Instant Previews

    11/9/10

    Inilunsad namin ang Instant Previews, isang biswal na preview ng mga resulta ng paghahanap na tumutulong sa iyo na mapili nang mabilis ang tamang resulta sa pamamagitan ng pagpapakita ng web snapshot ng bawat pagpipilian nang hina-highlight ng mga call out ng teksto ang iyong termino para sa paghahanap sa pahina. Sa pamamagitan ng pag-click nang isang beses sa magnifying glass sa iyong mga resulta, makakakita ka ng instant na preview ng web page na iyon. Pagkatapos mong i-activate ang Instant Previews, makakapag-hover ka sa anumang iba pang resulta upang makakita ng iba't ibang preview.

    Magbasa nang higit pa

  • Mga Live na Resulta ng NBA

    12/3/10

    Nagsu-shoot at nagkakapuntos kami kasama ang NBA.com—nagbibigay ng mga real-time na puntos ng laro, iskedyul, katayuan, link patungo sa mga live na update, preview ng laro, at recap—lahat sa loob ng iyong mga resulta ng paghahanap.

    Magbasa nang higit pa

  • Paghahanap ng Lugar sa mobile

    12/3/10

    Nasa mobile na ang Paghahanap ng Lugar, bagay na nagbibigay-daan sa iyo na maghanap ng [mga museo sa new york city] sa iyong smartphone at makakuha ng mga resulta sa web para sa Metropolitan Museum of Art, na may kasamang mga komento at review—na masinsing nakaayos sa iisang grupo.

    Magbasa nang higit pa

  • Chrome Web Store

    12/7/10

    Binuksan namin ang Chrome Web Store, isang online na marketplace kung saan ka makakatuklas ng libu-libong app, extension at tema para sa Google Chrome. Sa loob, makakapaghanap o makakapag-browse ka sa iba't ibang pahina ng kategorya at indibidwal na item, gayundin ang magbasa at mag-ambag ng mga review at rating. Kung gumagamit ka ng maraming computer, i-synchronize ang iyong mga app, extension, at tema sa lahat ng iyong computer na may pag-sync ng browser.

    Magbasa nang higit pa

  • Zeitgeist 2010

    12/9/10

    Nahuli namin ang diwa ng 2010 sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng bilyun-bilyong query sa paghahanap sa Google. Tuklasin ang Mga Trend, Kaganapan at isang recap video ng 2010. Narito ang nangungunang sampung pinakamabilis sumikat na mga paghahanap :

    1. chatroulette
    2. ipad
    3. justin bieber
    4. nicki minaj
    5. friv
    6. myxer
    7. katy perry
    8. twitter
    9. gamezer
    10. facebook
  • Google Instant para sa mobile

    12/10/10

    Sa pagsusumikap na makapag-alok sa mga tao ng mga resulta ng paghahanap sa web na kasing bilis ng kidlat, naglabas kami ng beta na bersyon ng Google Instant sa mobile sa mahigit 28 wika at 40 bansa sa buong mundo.

    Magbasa nang higit pa

  • Update sa Social na Paghahanap

    2/17/11

    Nag-anunsyo kami ng mga update sa Social na Paghahanap: Kapag naka-sign in sa iyong Google account, makakakita ka na ngayon ng mga resulta at nakabahaging link mula sa mga tao kung saan ka nakakonekta sa Twitter, Flickr, Blogger, at iba pang mga site na pampublikong available—nakahalo sa pamamagitan ng pahina ng mga resulta ng paghahanap. Lumilitaw ang mga pangalan at larawan sa profile ng mga tao na nagbahagi o nag-publish ng impormasyong ito sa ilalim ng mga resulta.

    Magbasa nang higit pa

  • Recipe View

    2/24/11

    Inilunsad namin ang Recipe view upang maiakma mo ang iyong mga resulta ng paghahanap nang sa gayon ay mga recipe lamang ang ipakita, pagkatapos ay gumamit ng mga malinaw na namarkahang rating, mga sangkap, at mga larawan upang mapili ang tamang recipe. Makakapaghanap ka rin ng mga partikular na recipe tulad ng [chocolate chip cookies], higit pang mga bukas na paksa tulad ng [strawberry], o maging makahanap ng mga recipe para sa isang holiday o kaganapan, tulad ng [cinco de mayo]. Upang marating ang Recipe view, mag-click sa link na “Mga Recipe” sa kaliwang panel ng pahina ng mga resulta ng paghahanap.

  • Pinahusay ang Google Profiles

    3/2/11

    Binigyan namin ang Google Profiles ng bagong hitsura at dating, bagay na nagpapadali sa iyo na kontrolin at paghusayin ang iyong pampublikong profile. Sa pamamagitan ng pagpunta sa profiles.google.com, makakalikha ka ng profile na pinakakumakatawan sa kung paano mo nais makita ng mundo.

    Magbasa nang higit pa

  • Instant Previews sa Mobile

    3/8/11

    Inilunsad namin ang Instant Previews sa Mobile. Tulad ng desktop na bersyon ng Instant Previews, binibigyang-daan ka nito na biswal na paghambingin ang mga resulta ng paghahanap at mga webpage snapshot, bagay na magpapadali sa pagpili ng tamang resulta nang mas mabilis.

    Magbasa nang higit pa

  • Button na +1

    3/30/11

    Ipinakilala namin ang button na +1, na shorthand para sa "astig 'to ah" o "tingnan mo 'to." I-click ang button na +1 upang matulungan ang mga kaibigan, contact, at ang kabuuan ng web na mahanap ang pinakamahuhusay na bagay sa paghahanap sa Google. Matutulungan ka rin ng mga +1 sa pamamagitan ng pagpapakita sa iyo ng mga tamang rekomendasyon sa mga paksang kawili-wili sa iyo, saan mo man nais ang mga ito—sa iyong mga resulta ng paghahanap.

  • Doodle ni Charlie Chaplin

    4/15/11

    Bilang pagpupugay sa Ika-122 kaarawan ni Sir Charles Spencer Chaplin, nilikha namin ang kauna-unahang doodle na live action video.

    Panoorin ito ngayon

  • Google Images na may Pag-uuri-uri

    5/9/11

    Pinapayagan namin ang mga user na magbukud-bukod ayon sa paksa sa Google Images, upang hindi ka lamang biswal na makakapag-browse ng mga paksa, ngunit mahahanap rin ang tumpak na larawan na hinahanap mo sa pamamagitan ng pag-click Magbukud-bukod ayon sa paksa sa kaliwang panel upang instant na mag-ayos ng mga resulta.

    Magbasa nang higit pa

  • Ika-96 na Kaarawan ni Les Paul

    6/9/11

  • Instant Pages

    6/14/11

    Ipinakikilala namin ang Mga Instant na Pahina, isang bagong tamopk upang matulungan ang mga user na makuha ang kanilang mga nais na resulta ng paghahanap nang mas mabilis--sa ilang mga kaso kahit na agaran! Pinagana ang tampok na Mga Instant na Pahina sa pamamagitan ng teknolohiya ng paunang pag-render na binubuo namin sa Chrome at pagkatapos ay matalinong nati-trigger ng paghahanap sa web kapag ganap na may kumpyansa kami tungkol sa kung aling resulta ang pinakamahusay na sagot para sa iyong paghahanap.

  • Paghahanap gamit ang Boses

    6/14/11

    Ipinakilala namin ang paghahanap gamit ang boses sa unang pagkakataon sa mga computer. Sa halip na mag-type, maaari mong i-click ang icon ng mikropono upang sabihin ang iyong paghahanap at makita kung ano ang iyong hinahanap. Anuman ang iyong iniisip, maging ito ay ang panahon, oras ng pelikula, o isang bagay na alam mong sabihin ngunit hindi alam i-spell tulad ng adobo recipe - kung masasabi mo ito, maaari mo itong hanapin.

  • Paghahanap gamit ang Larawan

    6/14/11

    Ipinapakilala namin ang kakayahang maghanap ayon sa larawan. Ngayon, maaari mo nang gamitin pareho ang iyong mga litrato at larawan mula sa web upang simulan ang iyong paghahanap sa Google. Kapag naghanap ka ayon sa larawan, makakakita ka ng mga resultang nagpapakita sa iyo kung nasaan lumilitaw ang larawang iyon, at mga kaparehong larawan. Dadalhin ka namin sa mga webpage na naglalaman sa larawang iyon, o makita ang parehong larawan sa iba't ibang laki o resolution.

  • Flight Search

    9/13/11

    Inilunsad namin ang Flight Search, isang bagong tool upang tumuklas ng mga pagpipilian sa paglalakbay at planuhin ang iyong biyahe. Sa Flight Search, makakakita ka ng madaling tingnang listahan ng mga kumbinyenteng flight. Hindi sigurado kung saan mo nais maglakbay? Matutulungan ka ng Flight Search na tumuklas ng mga pagpipilian sa paglalakbay at mga patutunguhan. Pumili ng lungsod kung saan aalis at makakapag-surf ka sa mapa upang makahanap ng mga pagpipilian sa tiket para sa iba't ibang patutunguhan. Matutulungan ka rin ng Flight Search na makita kung aling mga petsa ang makapagbibigay sa iyo ng mabababang presyo.

    Magbasa nang higit pa

  • Mga kaugnay na tao at pahina

    1/10/12

    Ipinakilala namin ang mga kaugnay na tao at pahina sa paghahanap, bagay na nagbibigay-daan sa iyo na makatuklas ng mga tao at brand na nauugnay sa iyong paghahanap at kumonekta sa pamamagitan ng pagdaragdag sa mga ito sa iyong mga lupon.

  • Mga profile sa paghahanap

    1/10/12

    Bilang bahagi ng Paghahanap plus Iyong Mundo, naglunsad kami ng mga profile sa paghahanap, isang tampok na nagbibigay-daan sa iyo na makapaghanap ng mga tao nang mas mabilis sa pamamagitan ng pagkita sa kanilang mga pangalan sa profile sa Google habang tina-type mo mismo ang kanilang pangalan sa paghahanap. Sa pamamagitan ng paglikha ng profile sa Google at paggawa nitong nakikita sa paghahanap, binibigyan mo ang Google ng kakayahang palabasin ang pinaka-may-katuturang nilalaman tungkol sa iyo.

  • Mga personal na resulta

    1/10/12

    Inilunsad namin ang mga personal na resulta bilang isang tampok ng Paghahanap plus Iyong Mundo. Gamit ang mga personal na resulta, makakakita ka ng mga may-katuturang tip, larawan, at post mula sa iyong mga kaibigan, sa tabi mismo ng mga resulta mula sa web. Minamarkahan ang mga personal na resulta ng icon upang malaman mo na para lang sa iyo ang mga ito. Dahil personal at pribado ang mga resultang ito, kakailanganing naka-sign in ka sa Google upang makita ang mga ito.

  1. 1997
    • Inilunsad ang Paghahanap sa Google

      Inilunsad ang Paghahanap sa Google

  2. 1998
    • Unang Doodle

      Unang Doodle

  3. 2000
    • Mga Wika

      Mga Wika

    • Index ng Paghahanap

      Index ng Paghahanap

    • Mga Wika

      Mga Wika

    • Google Toolbar

      Google Toolbar

  4. 2001
    • Mga Wika

      Mga Wika

    • Google Image Search

      Google Image Search

    • Index ng Paghahanap

      Index ng Paghahanap

    • Zeitgeist 2001

      Zeitgeist 2001

  5. 2002
    • Google News

      Google News

    • Zeitgeist 2002

      Zeitgeist 2002

    • Froogle

      Froogle

  6. 2003
    • Zeitgeist 2003

      Zeitgeist 2003

  7. 2004
    • Index ng Paghahanap

      Index ng Paghahanap

    • Gmail

      Gmail

    • Paghahanap ng SMS sa Mobile

      Paghahanap ng SMS sa Mobile

    • Google Scholar

      Google Scholar

    • Paghahanap sa Desktop ng Google

      Paghahanap sa Desktop ng Google

    • Index ng Paghahanap

      Index ng Paghahanap

    • Paghahanap ng Aklat sa Google

      Paghahanap ng Aklat sa Google

    • Zeitgeist 2004

      Zeitgeist 2004

  8. 2005
    • Google Video

      Google Video

    • Index ng Paghahanap ng Larawan

      Index ng Paghahanap ng Larawan

    • iGoogle

      iGoogle

    • Google Translate

      Google Translate

    • Google Blog Search

      Google Blog Search

    • Zeitgeist 2005

      Zeitgeist 2005

  9. 2006
    • Google Finance

      Google Finance

    • Mga Kalakaran

      Mga Kalakaran

    • Google Custom Search

      Google Custom Search

    • Paghahanap ng Patent

      Paghahanap ng Patent

    • Zeitgeist 2006

      Zeitgeist 2006

  10. 2007
    • Pangkalahatang Paghahanap

      Pangkalahatang Paghahanap

    • Zeitgeist 2007

      Zeitgeist 2007

  11. 2008
    • Google Translate

      Google Translate

    • Doodle 4 Google 2008

      Doodle 4 Google 2008

    • Paghahanap sa Site ng Google

      Paghahanap sa Site ng Google

    • Knol

      Knol

    • Index ng Paghahanap

      Index ng Paghahanap

    • Google Suggest

      Google Suggest

    • Google Chrome Browser

      Google Chrome Browser

    • Ika-10 Kaarawan ng Google

      Ika-10 Kaarawan ng Google

    • Project 10^100

      Project 10^100

    • Zeitgeist 2008

      Zeitgeist 2008

  12. 2009
    • Google Translate

      Google Translate

    • Mga Profile sa Google

      Mga Profile sa Google

    • Mga Opsyon sa Paghahanap sa Google

      Mga Opsyon sa Paghahanap sa Google

    • Doodle 4 Google 2009

      Doodle 4 Google 2009

    • Google Translate

      Google Translate

    • Social na Paghahanap

      Social na Paghahanap

    • Google Dashboard

      Google Dashboard

    • Zeitgeist 2009

      Zeitgeist 2009

    • Google Goggles

      Google Goggles

    • Aktuwal na Oras ng Paghahanap

      Aktuwal na Oras ng Paghahanap

  13. 2010
    • Kaarawan ni Sir Isaac Newton

      Kaarawan ni Sir Isaac Newton

    • Parisian Love

      Parisian Love

    • Topeka

      Topeka

    • Makabagong hitsura para sa Mga Resulta ng Paghahanap

      Makabagong hitsura para sa Mga Resulta ng Paghahanap

    • Doodle ng PAC-MAN

      Doodle ng PAC-MAN

    • Doodle 4 Google 2010

      Doodle 4 Google 2010

    • I-personalize ang Google.com

      I-personalize ang Google.com

    • Caffeine

      Caffeine

    • Aktuwal na Oras ng Paghahanap

      Aktuwal na Oras ng Paghahanap

    • Doodle ng Buckyball

      Doodle ng Buckyball

    • Doodle ng Particle

      Doodle ng Particle

    • Google Instant

      Google Instant

    • Transparency Report

      Transparency Report

    • Doodle ni John Lennon

      Doodle ni John Lennon

    • Maligayang kaarawan sa iyo!

      Maligayang kaarawan sa iyo!

    • Paghahanap ng Lugar

      Paghahanap ng Lugar

    • Instant Previews

      Instant Previews

    • Mga Live na Resulta ng NBA

      Mga Live na Resulta ng NBA

    • Paghahanap ng Lugar sa mobile

      Paghahanap ng Lugar sa mobile

    • Chrome Web Store

      Chrome Web Store

    • Zeitgeist 2010

      Zeitgeist 2010

    • Google Instant para sa mobile

      Google Instant para sa mobile

  14. 2011
    • Update sa Social na Paghahanap

      Update sa Social na Paghahanap

    • Recipe View

      Recipe View

    • Pinahusay ang Google Profiles

      Pinahusay ang Google Profiles

    • Instant Previews sa Mobile

      Instant Previews sa Mobile

    • Button na +1

      Button na +1

    • Doodle ni Charlie Chaplin

      Doodle ni Charlie Chaplin

    • Google Images na may Pag-uuri-uri

      Google Images na may Pag-uuri-uri

    • Ika-96 na Kaarawan ni Les Paul

      Ika-96 na Kaarawan ni Les Paul

    • Instant Pages

      Instant Pages

    • Paghahanap gamit ang Boses

      Paghahanap gamit ang Boses

    • Paghahanap gamit ang Larawan

      Paghahanap gamit ang Larawan

    • Flight Search

      Flight Search

  15. 2012
    • Mga kaugnay na tao at pahina

      Mga kaugnay na tao at pahina

    • Mga profile sa paghahanap

      Mga profile sa paghahanap

    • Mga personal na resulta

      Mga personal na resulta