![]() |
Impormasyon sa Kumpanya |
|
|
Pangkalahatang-silip ng KumpanyaAng misyon ng Google ay ang maisaayos ang impormasyon ng mundo at gawan ng paraan upang ito ay mapupuntahan at mapapakinabangan ng lahat. Bilang unang hakbang upang matupad ang misyon na iyon, ang mga nagtayo ng Google na sina Larry Page at Sergey Brin ay nakabuo ng isang bagong diskarte sa online search na naitatag sa isang silid sa dormitoryo sa Stanford University at mabilis na kumalat sa mga naghahanap ng impormasyon sa buong mundo. Ang Google ay malawak na ngayong kinikilala bilang pinakamalaking search engine sa mundo -- isang madaling-gamiting serbisyo na walang bayad at kadalasan ay nagbibigay ng mga naaakmang resulta sa ilang bahagi ng isang segundo. Kapag binisita mo ang www.google.com o ang isa sa dose-dosenang iba pang mga Google domain, makakatagpo ka ng impormasyon sa samu’tsaring mga wika; tiyakin ang mga stock quote, mapa, at ulo ng balita; maghanap ng mga pagkakalista sa phonebook para sa bawat lungsod sa Estados Unidos; maghanap ng bilyon-bilyong mga imahe at kilatisin ang pinakamalaking archive sa mundo para sa mga mensaheng Usenet -- higit sa 1 bilyong mga posts na mula pa sa taong 1981. Nagdudulot din kami ng mga pamamaraan upang mapuntahan ang lahat ng impormasyong ito nang walang isinasagawang espesyal na paglalakbay sa Google homepage. Ang Google Toolbar ay nagbibigay-daan sa iyo upang makapagsagawa ka ng isang Google search mula sa kahit saan sa web. At para sa mga pagkakataong iyon na hindi mo kaharap ang iyong PC, ang Google ay maaaring gamitin mula sa isang bilang ng mga wireless platform kabilang ang WAP at mga i-mode na telepono. Ang pagiging kapaki-pakinabang ng Google at kadaliang magamit ito ang siyang dahilan kung bakit ito ay naging isa sa mga pinaka-tanyag na tatak sa mundo na halos buhat lamang ng pagsangguni ng mga nasiyahang gumagamit. Bilang isang negosyo, kumikita ang Google sa pamamagitan ng pagdudulot sa mga nagpapatalastas ng pagkakataon upang makapaghatid ng masusukat at sulit na online advertising na may kinalaman sa impormasyong ipinakita sa kahit anong page. Dahil dito ay kapaki-pakinabang ang pagpapatalastas para sa iyo at pati na din sa tagapagpatalastas na naglagay nito. Naniniwala kami na dapat mong malaman kung may nagbayad na tao upang makapaglagay ng mensaheng nasa harap mo, kaya’t palagi naming hinihiwalay ang mga patalastas mula sa mga resulta ng paghahanap o iba pang nilalaman sa isang pahina. Hindi kami nagbebenta ng mga posisyon sa mga resulta ng paghahanap mismo, o pinapayagan ang mga tao na magbayad ng mas mataas na ranggo doon. Libo-libong mga tagapagpatalastas ang gumagamit ng aming programang Google AdWords upang maisulong ang kani-kanilang mga produkto at serbisyo sa web gamit ang targeted advertising, at naniniwala kami na ang AdWords ang pinakamalaking programang ganito. Bukod dito, libo-libong mga web site manager ang nakikinabang sa aming programang Google AdSense upang makapaghatid ng mga patalastas na may kinalaman sa nilalaman sa kani-kanilang mga web site, at pinag-iibayo ang kakayahan na kumita at mapagbuti ang karanasan para sa kani-kanilang mga gumagamit. Ano ang isang Google? Ang "Googol" ay ang mathematical term para sa isang 1 na sinundan ng 100 na mga zero. Ang term ay binuo ni Milton Sirotta, pamangkin ng Amerikanong matematiko na si Edward Kasner, at pinatanyag sa librong, "Mathematics and the Imagination" ni Kasner at James Newman. Ang paggamit ng Google ng katagang ito ay sumasalamin sa misyon ng kumpanya upang maayos ang napakalawak na impormasyon na makukuha sa web. |
![]() | ©2009 Google - Home - Ukol sa Google - Patakaran sa Pagkapribado - Mga Tuntunin ng Serbisyo |