HomeAMD / RUB • Currency
add
AMD / RUB
Nakaraang pagsara
0.21
Mga balita tungkol sa merkado
Tungkol sa Dram ng Armenya
Ang Armenyong dram o Armenyanong dram ay ang nasyonal na salapi ng bansang Armenya. Nahahati ito sa 100 Luma. Ang salitang dram ay may kahulugan sa Ingles na money o sa Tagalog ay salapi o pera, at may kahulugan din ito sa Griyego na drachma. Ang Bangko Sentral ng Armenya ang may karapatang mangasiw ang alhatng salapi na umiikot sa buong bansa. WikipediaTungkol sa Rublong Ruso
Ang rublo ng Rusya ay ang pananalapi ng Pederasyon Rusya, ang dalawang bahagiang kinikilalang republika ng Abkhazia at Timog Ossetia at ang dalawang hindi kinikilalang Republikang Bayan ng Donetsk at Luhansk. Nahahati ang rublo sa 100 kopek.
Naging pananalapi ng Imperyong Ruso at Unyong Sobyet ang rublo. Bagaman, sa ngayon, tanging Rusya, Belarus at Transnistria lamang ang gumagamit ng pananalapi ng may parehong pangalan. Ang rublo ay ang unang pananalapi sa Europa na naging desimalisado, noong 1704, nang naging katumbas sa 100 kopek ang rublo.
Noong Setyembre 1993, napalitan ang rublo ng Sobyet ng rublo ng Rusya sa palitang 1 SUR = 1 RUR. Noong 1998, bago ang krisis pananalapi, naredominado ang rublo ng Rusya na may bagong kodigo na "RUB" at may palitang 1,000 RUR = 1 RUB. Wikipedia