HomeIDR / RUB • Currency
add
IDR / RUB
Nakaraang pagsara
0.0046
Mga balita tungkol sa merkado
Tungkol sa Rupiah ng Indonesia
Ang rupiah ay ang opisyal na pananalapi ng Indonesia na nilalabas at kinokontrol ng Bangko ng Indonesia. IDR ang kodigong ISO 4217 para sa rupiah. Sa di-pormal na pananalita, ginagamit ng mga taga-Indonesia ang salitang "perak" sa pagtukoy sa rupiah. Nahahati ang rupiah sa 100 sen, bagaman hindi na ginagamit ang sen at namamayani na ang mga barya at papel de bangko dahil sa pagpintog ng salapi.
Nagkaroon ang pulo ng Riau at Irian Barat ng sarili nilang uri ng rupiah noong nakaraan, ngunit naging bahagi na ito sa pambansang rupiah noong 1964 sa Riau at 1971 sa Irian Barat. WikipediaTungkol sa Rublong Ruso
Ang rublo ng Rusya ay ang pananalapi ng Pederasyon Rusya, ang dalawang bahagiang kinikilalang republika ng Abkhazia at Timog Ossetia at ang dalawang hindi kinikilalang Republikang Bayan ng Donetsk at Luhansk. Nahahati ang rublo sa 100 kopek.
Naging pananalapi ng Imperyong Ruso at Unyong Sobyet ang rublo. Bagaman, sa ngayon, tanging Rusya, Belarus at Transnistria lamang ang gumagamit ng pananalapi ng may parehong pangalan. Ang rublo ay ang unang pananalapi sa Europa na naging desimalisado, noong 1704, nang naging katumbas sa 100 kopek ang rublo.
Noong Setyembre 1993, napalitan ang rublo ng Sobyet ng rublo ng Rusya sa palitang 1 SUR = 1 RUR. Noong 1998, bago ang krisis pananalapi, naredominado ang rublo ng Rusya na may bagong kodigo na "RUB" at may palitang 1,000 RUR = 1 RUB. Wikipedia