HomeTHB / PHP • Currency
add
THB / PHP
Nakaraang pagsara
1.83
Mga balita tungkol sa merkado
Tungkol sa Baht ng Thailand
Ang baht ay isang pananalapi ng Thailand. Ito ay hinati sa 100 satang. Ang pag-isyu ng panlalapi na ito ay isang responsibilidad ng Bangko ng Thailand. WikipediaTungkol sa Piso ng Pilipinas
Ang Piso ng Pilipinas, ay ang opisyal na pananalapi ng Pilipinas. Nagmula sa salitang Kastila na ang piso ay nangangahulugang "timbang". Nahahati ang bawat piso sa 100 sentimos. Ang "PHP" ay ang kodigo nito sa ISO 4217. Ang Pilipinas ay isa mga bansang naging Kolonya ng Espanya na gumagamit ng piso bilang kanilang pananalapi, katulad ng Mehiko, Kolombiya at Arhentina. Noong Oktubre 2005, ang suplay ng piso ng Pilipinas ay umabot ng 569.2 bilyong piso.
Bago pa ang 1967, nang ang Pilipinas ay kolonya pa ng Estados Unidos, ang wikang ginagamit sa perang papel at barya ay nasa Ingles; kaya “peso” ang ginamit noon. Ngayong Filipino na ang gamit sa mga salaping papel at barya, naging “piso” na ang pangalan ng salapi ng Pilipinas.
Ang piso ay kadalasang sinusulat sa simbolong “₱”. Ang ibang paraan ay: “PHP”, “PhP”, “Php” o kaya’y simpling “P”. Ang ₱ ay naidagdag sa pamantayang Unicode sa bersiyong 3.2 at itinala sa U+20B1. Ang simbolo maipalalabas sa mga sulat-tala sa pamamagitan ng pagpindot ng “20B1” at pindutin ang Alt at X nang sabay. Wikipedia