Gawing default na browser ang Chrome para sa iyong iPhone
Kapag itinakda mo ang Chrome bilang default na browser sa iyong iPhone, puwede mong i-sync nang walang kahirap-hirap ang iyong Google account sa maraming device. Dapat ay mayroon kang iOS 14 o mas bago para magawang default na browser ang Chrome sa iyong iPhone.
Kunin ang Chrome sa iyong iPhone
Pagkatapos i-download ang Chrome sa iyong iPhone, puwede mo itong itakda bilang iyong default na browser at walang kahirap-hirap na i-sync ang Chrome sa computer mo. Dapat ay mayroon kang iOS 14 o mas bago para magawang default na browser ang Chrome sa iyong iPhone.

I-scan ang code na ito gamit ang camera ng iyong telepono para kunin ang Chrome.

Sundin ang mabibilis na hakbang na ito:
Gawing default na browser ang Chrome para sa iyong iPhone:
Hakbang 1
Kunin ang Chrome app
I-install ang pinakabagong bersyon ng Chrome.
Hakbang 2
Buksan ang Mga Setting ng Chrome
I-tap ang Higit Pa () sa iyong screen, at pagkatapos ang Mga Setting.
Hakbang 3
I-tap ang "Default na Browser"
Pagkatapos ay i-tap ang Buksan ang Mga Setting ng Chrome.
Hakbang 4
I-tap ang "Default na Browser App"
Piliin ang Chrome bilang iyong default na browser.
Hakbang 1
Buksan ang Chrome app
Buksan ang pinakabagong bersyon ng Chrome sa iyong iPhone.
Hakbang 2
I-tap ang higit pa
I-tap ang Higit Pa () sa iyong screen, at pagkatapos ang Mga Setting.
Hakbang 3
Buksan ang Mga Setting ng Chrome
Sa Mga Setting i-tap ang Default na Browser Buksan ang Mga Setting ng Chrome.
Hakbang 4
I-tap ang "Default na Browser App"
I-tap ang Default na Browser App at piliin ang Chrome.
Hakbang 1
I-tap ang higit pa
Mula sa Chrome, i-tap ang Higit Pa () sa iyong screen, at pagkatapos ang Mga Setting.
Hakbang 2
Buksan ang Mga Setting ng Chrome
Sa Mga Setting i-tap ang Default na Browser Buksan ang Mga Setting ng Chrome.
Hakbang 3
I-tap ang "Default na Browser App"
I-tap ang Default na Browser App at piliin ang Chrome.
Hakbang 1
Buksan ang Chrome app
Buksan ang Chrome app sa iyong iPhone.
Hakbang 2
I-tap ang higit pa
I-tap ang Higit Pa () sa iyong screen, at pagkatapos ang Mga Setting.
Hakbang 3
Buksan ang Mga Setting ng Chrome
Sa Mga Setting i-tap ang Default na Browser Buksan ang Mga Setting ng Chrome.
Hakbang 4
I-tap ang "Default na Browser App"
I-tap ang Default na Browser App at piliin ang Chrome.
Bakit dapat gawing iyong default na browser ang Chrome?
-

Kunin ang iyong mga bookmark at password mula saanman
I-access ang iyong mga bookmark, history, at tab mula sa anumang device. Secure na maso-store ng Chrome ang iyong mga password at impormasyon sa pagbabayad para sa mabilis na paggamit.
-

Ginawa ng Google
Ang Chrome ang mabilis at secure na browser na ginawa ng Google. Built in sa Chrome ang mga tool tulad ng Google Search, Google Translate, at Google Pay, kaya mabilis mong mapupuntahan ang mga ito.
-

Gamitin ang widget ng Chrome para maghanap mula sa iyong Home Screen
Kunin ang widget ng Chrome para sa iyong home screen para sa mabilis na pag-access sa mga feature ng Chrome tulad ng Google Search, Incognito, at QR scanner.







