Pinapanatili kang up to date ng Chrome

Awtomatikong nangyayari sa background ang mga pag-update ng Chrome — na nagpapanatili sa iyong maayos at ligtas na makatakbo sa pamamagitan ng mga pinakabagong feature.

Paano malaman ang iyong bersyon ng Chrome

  • Hakbang 1

    Sa iyong computer, buksan ang Chrome

    Tingnan ang mga hakbang para sa Android o iOS
  • Hakbang 2

    I-click ang tatlong tuldok sa itaas ng “I-download ang Chrome” sa kanang sulok sa itaas

  • Hakbang 3

    I-click ang Tulong > Tungkol sa Chrome

Narito kung paano mo maa-update ang Chrome

Awtomatikong nag-a-update

Regular na tinitingnan ng Chrome kung may mga bagong update, at kapag may available na update, awtomatiko itong inilalapat ng Chrome kapag isinara at binuksan mo ulit ang browser.

Humingi pa ng tulong
UI ng Chrome na may icon ng naglalapat ng update

Paglalapat ng nakabinbing update

Kung matagal mo nang hindi naisasara ang iyong browser, posible kang makakita ng nakabinbing update sa kanang sulok sa itaas ng browser mo, sa tabi ng iyong larawan sa profile.

Awtomatikong mag-a-update ang Chrome sa susunod na isara at buksan mo ulit ang Chrome. Pero kung gusto mong i-apply kaagad ang update, i-click lang ang tatlong tuldok sa kanan ng mensahe at piliin ang unang item sa menu.

Humingi pa ng tulong
UI ng Chrome na nag-aalertong may nakabinbing update

Bakit kailangang panatilihing updated ang Chrome

Kapag pinapanatiling up to date ang Chrome, nagbibigay-daan ito sa iyong sulitin ang mga pinakabagong feature at update sa seguridad ng Chrome para manatili kang produktibo, ligtas, at mobile.

  • Seguridad

    Pinapanatili kang secure

    Tinitiyak ng mga awtomatikong update na mayroon kang mga pinakabagong feature sa seguridad at pag-aayos kapag available na ang mga ito.

  • Mga Feature

    Ang mga pinakabagong feature ng Google

    Makakuha ng mga bagong feature sa sandaling na-release ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapanatiling up to date ang Chrome.

  • Mga Pagpapahusay

    Pinabilis at pinahusay na performance

    Maghanap ng mga bagong setting at pag-optimize ng performance para panatilihing mabilis at mahusay ang Chrome.

Tulong kapag kailangan mo ito

Kailangan pa ng tulong sa Chrome? I-explore ang aming help center para matuto pa tungkol sa mga update at iba pang paraan para gamitin ang Chrome.

Bisitahin ang help center