Pamamaraan ng Pag-input (IME)
Ginagawang mga character sa isa pang wika ng Mga Input Method Editor (Mga IME) ang mga keystroke. Nag-aalok kami ng ilang IME. Subukan ang mga ito.
Upang gumamit ng IME, ang unang hakbang ay i-enable ang Input Tools. Sundin ang mga tagubilin upang ma-enable ang Input Tools sa Search, Gmail, Google Drive, Youtube, Translate, Chrome at Chrome OS.
Kinakatawan ang IME ng isang character mula sa wika, gaya ng
.Ang pag-click sa icon upang
i-on/i-off ang kasalukuyang IME o ang pag-click sa arrow sa tabi nito upang pumili ng
isa pang input tool. Kapag naka-on ang IME, ang button ay nagiging mas madilim na
grey
.
Mga Latin na IME
Nilalayon ng mga Latin na IME na tulungan ang mga tao na mag-type gamit ang mga Latin-script na wika (hal., French, German, Spanish, Portuguese, Italian at Dutch) gamit ang US na keyboard. Kasama sa mga tampok ang mga awtomatic diacritic, pagtatama ng spelling, at pagkumpleto ng prefix.
Upang gamitin ang mga Latin na IME, mag-type ng mga titik na walang accent, at imumungkahi ang tamang salita na may mga diacritic. Halimbawa, sa French, habang tina-type mo ang ‘franca’, makakakita ka ng opsyon sa pagkumpleto sa prefix.
Pindutin ang TAB upang gamitin ang opsyong “français”. Sa panahong ito, pindutin ang SPACE/ENTER upang gamitin ang pinagmulang teksto na “franca.”
Habang patuloy na tina-type ang “francais”, ang opsyong naroon ay magiging isang auto-diacritic na opsyon. Pindutin ang SPACE/ENTER upang gamitin ang opsyong “français”.
Upang makakuha ng higit pang mga opsyon, pindutin ang BACKSPACE, at makikita mo ang lahat ng opsyon.
Ang unang opsyon ay ang auto-diacritic na opsyong may mataas na kumpiyansa, na awtomatikong maha-highlight. Ang ikalawang opsyon ay ang pinagmulang teksto. Ang ikatlo at ikaapat na mga opsyon ay ang mga opsyon sa pagkumpleto sa prefix. Ang ika-5 at ika-6 na mga opsyon ay mga opsyon sa pagtatama ng spelling.
Upang pumili ng salita mula sa maraming opsyon, isagawa ang alinman sa mga sumusunod na pagkilos:
- Pindutin ang SPACE/ENTER upang piliin ang naka-highlight na opsyon,
- Mag-click dito,
- I-type ang numero sa tabi ng salita,
- Mag-navigate sa listahan ng mga opsyon sa isang pahina gamit ang mga key na PATAAS/PABABA. Lumipat ng pahina gamit ang mga key na PATAAS/PABABA.
Input
Tools