Google

Idagdag sa Google

Mga Madalas Itanong

  1. Bakit ko nanaising maglagay ng button na “Idagdag sa Google” sa aking site?
  2. Paano ako magdaragdag ng button sa aking site?
  3. Paano ko malalaman na gumagana ang button?
  4. Ano ang mga feed?
  5. Ano ang mga gadget? Paano ako lilikha ng isa?
  6. Paano ako lilikha ng feed para sa aking site?
  7. Paano ako magdaragdag ng thumbnail sa aking feed?
  8. Anong mga format ng feed ang sinusuportahan?
  9. May mga tanong pa rin ako. Saan ako makakakuha ng higit pang tulong?

1. Bakit ko nanaising maglagay ng button na “Idagdag sa Google” sa aking site?

Napupunta sa iGoogle ang isa sa bawat limang view sa Google homepage sa Estados Unidos. Maaari mong i-post ang button na “Idagdag sa Google” sa iyong website upang himukin ang mga bisita na idagdag ang pipiliin mong nilalaman sa iGoogle at tingnan ang iyong mga item sa tuwing bibisita sila sa Google homepage.

Binibigyang-daan ka ng button na “Idagdag sa Google” na i-promote ang anumang nilalamang pipiliin mo, kabilang ang mga interactive na application, feed, at link sa iyong sariling website, sa pamamagitan ng pagpapadali para sa mga user na mabilisan itong idagdag sa kanilang pahina ng iGoogle. Hangga't pinapanatili ng mga user ang iyong nilalaman sa kanilang pahina ng iGoogle, maaaring lumitaw ang iyong mga item sa kanila sa tuwing bibisitahin nila ang iGoogle. Awtomatikong nakikita ng mga aktibong user ng iGoogle ang iGoogle sa tuwing binibisita nila ang Google.com, kaya maaaring makahimok ng maraming trapiko pabalik sa iyo ang mga sikat na feed/gadget na nagli-link pabalik sa iyong website paglipas ng panahon.

2. Paano ako magdaragdag ng button sa aking site?

Gamitin ang form upang likhain ang HTML para sa iyong site. Tiyaking pumunta sa tamang seksyon para sa alinman sa iyong feed o gadget. Ilagay lang ang URL para sa iyong feed o gadget, i-click ang "Likhain ang HTML" at kopyahin at i-paste ang nagreresultang teksto sa iyong website.

Bukod pa rito, kung gugustuhin mong mag-promote ng mahigit sa isang gadget o feed, maaari mong piliin ang opsyong “Marami.” Binibigyang-daan ka ng pagpipiliang ito na bumuo ng bagong tab sa iGoogle na maglalaman ng iyong mga gadget at/o feed.

3. Paano ko malalaman na gumagana ang button?

Sa sandaling naglagay ka ng button na “Idagdag sa Google” sa iyong site, masusubukan mo ito sa pamamagitan lang ng pag-click dito at pagdaan sa proseso. Malalaman mong gumana ito kung matagumpay na naidagdag ang nilalaman mo sa iyong Google homepage o Google Reader.

4. Ano ang mga feed?

Kung mayroon kang madalas na ina-update na website, gaya ng blog o publication ng balita, maaari kang gumamit ng feed upang matulungan ang mga taong manatiling may bagong nalalaman sa iyong site. Ang isang feed ay isang espesyal na na-format na bersyon ng nilalaman sa iyong website. Ang mga feed ay nababasa ng computer, na nangangahulugan na ang mga reader at aggregator ng feed ng mga user ay maaaring awtomatikong magpakita sa kanila ng iyong pinakabagong nilalaman at mag-alerto sa kanila sa tuwing may lilitaw na mga update.

5. Ano ang mga gadget? Paano ako lilikha ng isa?

Ang API ng mga gadget ay isang paraan ng paglikha ng mahuhusay na gadget na may mas magandang pagpapagana kaysa sa isang feed. Gamitin ito upang gawing mga gadget ang iyong nilalaman o application sa web na maidaragdag ng mga user sa kanilang Google homepage. Maaari ka ring bumuo ng mga tampok na nakakaapekto sa iba pang mga aspeto ng pahina, gaya ng font at mga scheme ng kulay. Hindi nangangailangan ang API ng mga gadget ng anumang mga pag-download, at idinisenyo ito na magkaroon ng kakayahang umangkop at maging madaling gamitin.

6. Paano ako lilikha ng feed para sa aking site?

Pinapadali ng karamihan ng serbisyo sa pagho-host ng blog na lumikha ng feed. Tingnan ang nilalaman ng tulong ng mga site na iyon para sa higit pang impormasyon (hal., Blogger, LiveJournal, o Typepad). Maaari ka ring lumikha ng mga custom na feed gamit ang Google News at Google Groups. Kung hino-host mo ang iyong sariling website, may maraming mapagkukunan sa web na makakatulong sa iyo na makapagsimula sa paglikha ng mga feed, gaya ng gabay na ito ni Danny Sullivan.

7. Paano ako magdaragdag ng thumbnail sa aking feed?

May mga thumbnail ang karamihan ng gadget na ipinapakita sa Direktoryo ng Google na nauugnay sa mga ito na naglalarawan sa kung ano ang ginagawa ng gadget. Maaari kang tumukoy ng thumbnail sa iyong feed. Ang mga iminumungkahing dimensyon para sa mga thumbnail ay 120 pixels na lapad by 60 pixels na taas. Idina-download ng Google ang larawang ito, sinusukat sa 120x60, dinaragdagan ng padding kung kinakailangan, at para sa pagganap at pagiging maaasahan, nire-re-host ang larawan sa isang server ng google.com.

Maaaring mag-iba-iba ang syntax depende sa uri ng format ng feed na iyong ginagamit. Narito ang isang halimbawa ng kung paano mo maaaring isama ang impormasyon ng thumbnail sa isang RSS feed:

<?xml version="1.0"?>
<rss version="0.92">
<channel>
<!-- The title is used in various places in the directory and Personalized Homepage
to help users. Please keep the title as short as possible. -->
<title>Test Feed</title>
<!-- The link is used in the Personalized Homepage title-bar, to link to your site -->
<link>http://www.google.com/</link>
<!-- The description is used in the detail page about your feed -->
<description>A nice long description of your feed.</description>
<!-- …other channel sub-elements may go here, e.g. ttl… -->
<image>
<url>http://www.google.com/ig/gadgets/sticky-thm.png</url>
<!-- …other image sub-elements may go here, e.g. width… -->
</image>

<item>
<title>RSS Item title #1</title>
<link>http://www.google.com/</link>
<!-- …other item sub-elements may go here, e.g. description… -->
</item>
<!-- …more items… -->
</channel>
</rss>

Narito ang isang halimbawa para sa Atom:

<?xml version="1.0" encoding="UTF-8" standalone="yes"?>
<?xml-stylesheet href="http://www.blogger.com/styles/atom.css"
type="text/css"?>
<feed xmlns="http://purl.org/atom/ns#" version="0.3" xml:lang="en-US">
<title mode="escaped" type="text/html">Test feed</title>
<tagline mode="escaped" type="text/html">A nice long description of your feed.</tagline>
<logo>http://www.google.com/ig/gadgets/sticky-thm.png</logo>
<!-- other feed sub-elements, including id, links, etc. -->
<entry xmlns="http://purl.org/atom/ns#">
<!-- …item elements… -->
</entry>
<!-- …other items… -->
</feed>

8. Anong mga format ng feed ang sinusuportahan?

Maraming sikat na format ng feed diyan. Sa kasalukuyan, sinusuportahan namin ang Atom (0.3 at 1.0) at RSS (0.91, 0.92, 1.0, at 2.0).

9. May mga tanong pa rin ako. Saan ako makakakuha ng higit pang tulong?

Kung mayroon ka pang mga karagdagang tanong o kailangan ng tulong sa paglalagay ng button na “Idagdag sa Google” sa iyong pahina, mangyaring makipag-ugnay sa amin.