Google Feedback

Paano gamitin ang Google Feedback

Hakbang 1: I-activate ang Google Feedback

Maa-activate mo ang Google Feedback sa pamamagitan ng pag-click sa mga pagpipiliang Magpadala ng feedback o Mag-ulat ng bug sa mga produkto ng Google.

Susunod na hakbang: Ilarawan

Hakbang 2: Ilarawan ang isyu

Sa sandaling na-activate na ang Google Feedback, makakakita ka ng naka-gray na larawan ng pahinang tinitingnan mo na may dialog box ng Google Feedback. Binibigyang-daan ka nitong maglagay ng paglalarawan ng iyong feedback. Kung nag-uulat ka ng problema, isasama ng isang mahusay na paglalarawan ang mga sumusunod na piraso ng impormasyon:

  • ano ang iyong ginawa noong naganap ang problema
  • ano ang inasahan mong mangyari
  • ano ang aktwal na nangyari

Susunod na hakbang: I-highlight

Hakbang 3: I-highlight

I-click ang I-highlight upang simulang i-highlight ang mga bahagi ng pahina na tumutugon sa iyong feedback.

Itapat mo ang pointer ng mouse sa pahina at i-click ang mga awtomatikong pag-highlight na lilitaw, o mag-click saanman sa pahina at i-drag ang pointer ng mouse sa mga seksyong nais mong i-highlight.

Kung may na-highlight ka nang hindi sinasadya, i-click ang icon na alisin (Icon na alisin) sa kanang sulok sa tuktok ng naka-highlight na lugar upang alisin ang pag-highlight.

Kung natatakpan ng dialog ng Google Feedback ang isang bagay na nais mong i-highlight, mag-click at mag-drag sa border ng dialog upang itabi ito.

Susunod na hakbang: Itiman

Hakbang 4: Itiman

Kung nilalaman ng pahina ang iyong pangalan, address, o ibang pribadong impormasyon, maaaring gusto mong huwag ipadala ang mga bahaging iyon ng pahina. Sa pamamagitan ng pag-click sa Itiman, makakapagtago ng mga bahagi ng pahina bago ipadala ang iyong feedback.

Maaari mong itapat ang pointer ng iyong mouse sa pahina at i-click ang itim na kahon na lilitaw, o mag-click saanman sa pahina at i-drag ang pointer ng mouse sa mga seksyong nais mong itiman.

Upang itiman ang isang bahagi ng naka-highlight na lugar, mag-click sa labas ng naka-highlight na lugar at mag-drag sa bahaging gusto mong itiman.

Kung may naitiman ka nang hindi sinasadya, i-click ang icon na alisin (Icon na alisin) sa kanang sulok sa tuktok ng initimang lugar upang alisin ang pag-itim.

Susunod na hakbang: I-preview

Hakbang 5: I-preview

I-click ang Susunod upang makita ang ulat na iyong ipapadala. Maaari mong i-edit ang iyong paglalarawan bago mo ipadala ang iyong feedback. Kinokolekta ng Google Feedback ang sumusunod na impormasyon kasama ng iyong screenshot:

  • iyong email address
  • ang URL at pamagat ng pahinang iyong binibisita
  • ang browser at operating system na iyong ginagamit, gayundin ang anumang mga extension ng browser na iyong na-install
  • ang istraktura ng HTML ng pahinang iyong binibisita
  • karagdagang data ng produkto

Kapag handa ka nang ipadala ang iyong feedback, i-click ang Isumite.

Susunod na hakbang: Ipadala

Hakbang 6: Isumite

Upang matiyak na makukuha namin ang iyong feedback, mangyaring huwag isara ang window hanggang sa makita mo ang mensahe ng pagkumpirma. Upang isara ang Google Feedback, i-click lang ang OK.

Tapos ka na at salamat sa iyong feedback!

Hakbang 7: Tingnan ang iyong feedback

Maaari mong tingnan ang iyong feedback sa Aking Mga Ulat na pahina. Doon ay maaari mong tingnan ang impormasyon na iyong pinadala gamit ang feedback tool na handang makuha sa maraming mga produkto ng Google web.